Wala lang

10:10 AM

Dear Blog,

Dahil bahagyang international na ang aking blog, hayaan niyo na lang silang manatili sa shout box. Di ko kayang mag-English ngayon.

Ebs na ebs na ko. Napadaan lang ako dahil chineck ko lang kung naapprove na ung dalawang tasks ko sa Smorty (at nagawa ko pa talagang magblog hop at magpost noh?). Ayun hindi pa pala.

Kakarating ko lang kaninang 4am imbis na 8am. Napaaga ata sila. Salamat at natapos na rin ang strike kaya maayos ang pagdating namin.

Maglilinis lang naman ako ng kwarto at banyo ngayon. Galing ako sa department store bumili ng brush, gloves, toilet paper, pangtanggal ng callus, sponge na hi-tech, at cleansing powder. Pede na ako maging boy.

Oo, nasa Dumsville na naman ako. At Wednesday ang simula ng classes at hindi Tuesday. False alarm na naman! Kaya gagawin ko ang makakaya ko't kukunan ko talaga ng picture ang nilinis kong kwarto. Magkakaroon ng kwenta ang roommate ko pagdating niya mamayang 2pm. Sa ngayon, solo ko ang kwarto at solo ko rin ang paghihirap. Bow.

Dumadaan,
Ninja.

You Might Also Like

4 comments so far

Like us on Facebook