Burger

Saturday, July 26, 2008


There are different kinds of burger:

May hamburger, cheeseburger, burger na may halaman, burger na may damo, burger na may toothpick, burger na may flower, burger na may nunal - iba't ibang hitsura para sa iba't ibang lasa.

Di pako nakakain ng ensakto today. Unang tinarget ko sa umaga eh yung burger ng college sa canteen. Tumaas na nga ng piso, ganun pa rin yung lasa (as if tumaas rin ang presyo ng burger patties). Kahit pano may kwenta pa naman yung pera ko. At yun na ang naging laman ng tiyan ko sa umaga.

Inabot na kami ng lunch time eh di pa rin kami natapos sa worksheet namin. Pinagresearch ba naman kami tungkol sa Acquired Immunodeficiency Syndrome (or in short AIDS), Systemic Lupus Erythematosus (or in short SLE), at yung ikatlong ewan ko. Lahat may katapat na mga situations kaya matagal (at hindi copy paste). Apat na oras kami sa lib at inabot kami ng lunch break. Ang saya!

Dahil desperado akong matapos na namin yung worksheet agad, di na ko umuwi. Ang aking lunch.....burger ulit. This time, yung burger naman na pagmamay-ari ni KT dahil KT's cheeseburger nga raw (ay ang korny). Malaman sa mayonnaise kaya masarap (oo mahilig ako sa maputi at malapot na padding). Kunwari busog ako, with all new energy (haha - in fairness masarap yung burger). Ako na nagpatuloy sa worksheet namin habang nagpapakasaya ang mga classmates ko sa kung saang lupalop sila nag-lunch (yung normal na lunch na may rice at ulam at hindi puro burger patty na may mayonnaise).

Dahil inabot na naman kami ng 3 oras sa lib (walang bisa ang burger!), normal lang na ako'y gutumin - char. Haha, at ulit - ako ay nagburger! Alamat na talaga 'to!

This time, ung burger naman sa Big Mak kiosk na malapit lang sa lib. Ngek, 26 pesos na wala pang lasa. Ang liit pa ng burger patty. Dinagdagan ko na nga ng pulang mayonnaise ganun pa rin yung lasa. Ayun, punong puno ako ng burger at parang magkakaroon na ng barangay ng uod sa banyo mamaya.

Anyhoo, sa wakas ay natapos rin kami sa worksheet namin. Pero, we still have a case book to finish na ipapass this Monday. Buti na nga nacancel ung classes today at nadagdagan pa namin ng ilang pages (2 lang naman sa loob ng 2 oras -- at draft pa yun) yung case book namin.

No comments: