Nasa Dumaguete Na Ako

Monday, October 27, 2008

I'm back in Dumaguete. The trip was horrible -- ang lakas ng alon at first time ko talagang sobrang mahilo sa biyahe (char). Bwahaha, oo, sobrang nahilo talaga ako't di ko napansing nag-aaway na pala si Hector at Achilles sa aking harapan. Di ko na mapanood ang Troy, bilog nga ang mundo at paikot-ikot kaya natulog na lang ako.

Anyway, Dumaguete, Dumaguete --- sa wakas. Pangit talaga samin (as in Ozamiz City), palagi na lang umuulan, ulan, ulan, ulan, di man lang ako makalabas, pati date ko with myself----inulan pa.Boring sa bahay, pag-iinternet lang alam kong gawin at di naman ako makagala kasi nga umuuan. Kanina, naabutan ko pa dito sa Dumsville ang 2-hour fireworks display sa closing ng Buglasan Festival --- bwaha. Sobrang namangha ako at tingin ko nalamangan na nila ang Disneyland Hongkong dahil talagang dalawang oras kaming nakatunganga sa mangha -- WOOOOWWWW.. Bwahaha - yun nga lang walang kasabay na background music ---yung tipong "A WHOLE NEW WORLD" --kaya lamang pa rin ang Disneyland...sabi ko nga..tingin ko lang.

Ang corny..pero mas naenjoy pako dito sa Dumaguete kahit unang gabi pa ng aking pagbabalik. Sa ngayon nga 1am na, at di pa ko nagpapahinga galing sa byahe't gusto ko pa talagang mag-blog noh?

Ang nangyari sa Cebu -- ay maganda. Nakakainggit. Hindi sa akin kundi sa mga kasamahan ko sa simbahan na tingin ko'y kaya ng magpatumba ng mga demonyo. Aba dapat lang kasi nademonyo din ako samin -- so come on let's kill them all!!!!! Bwahaha -- gets mo? hehe

Demo...gusto ko talaga pumunta ng Siquijor. 1 hour away lang, tapos di naman masyadong magastos dun. At....uhmm...oo ang ganda ng fireworks kanina nyahaha.

Anyway again, mas komportable talaga here in Dumaguete. Nakakawalang gana pala talaga sa bahay namin -- buti na lang naabutan ko pa fireworks display dito...hayyyzz.

Sendo - sinapian ng masamang hangin.

No comments: