Mount Talinis Part 2

Wednesday, April 21, 2010

So here it is, the continuation of our adventure, ang adventure na super pinagyayabang ko dahil 5,905 feet siya -- at oo, ito ang pinakaunang bundok na inakyat ko hahaha.

CLICK FOR PART 1 HERE

At dun sa Twin Falls nga kami humimpil ng sandali, naglunch, naligo, at nagkatuwaan. Dun ko din nadiskubre na kinakalyo pala ang katawan ko't di ako kayang patigasin ng super ultra lamig ng tubig.

Nag-cross over ng naman kami ulit na isa pang bundok. Super steep na siya na parang 82.5 degrees nga yung angle, haha.



Makalipas ang isang oras eh sa wakas eh sinalubong rin kami ng isang super lawak na kapatagan. Nagrejoice kami dahil super nakapagpahinga kami. This time, camera ni Natnat naman ang napagtripan kong gamitin.




Goal namin ang makaabot sa tuktok which was 2 mountains away pa, pero aabutin na raw kami ng gabi kaya one more mountain na lang ang aakyatin namin upang makapagpahinga na kami ng forevermore.

Isang campsite ang kapatagang pinagpahingahan namin. Maraming mga campers ang nagpalipas ng gabi dun. Hindi namin sila nakasabay kasi sa ibang route daw sila dumaan. Marami raw talaga nagcacamp tuwing ARAW NG KAGITINGAN.




After 30 minutes eh naglakad pa kami ng ilang mga minuto bago umakyat sa isa na namang bundok. Nadatnan namin ang tinatawag nilang DEAD RIVER. From the name itself, patay na ang river: walang nabubuhay na isda, di pwedeng inumin, di pwedeng amuyin dahil super nakakalula ang amoy niya. Concentrated ang river with sulphur na nagmumula sa geothermal plantation na malapit lang sa bundok na inakyat namin.







Kaya wala ring mga punong nabubuhay sa lugar. Nakakamangha ring tingnan yung mga nagsisitaasang kahoy na pwede na rin tawaging mga DEAD TREES, kasi nasa DEAD RIVER sila, haha. Astig talaga ang scenery kahit mabaho. Hindi ko talaga alam ang buong storya ng transformation ng lugar. Parang ruins ng isang napakalaking kaharian ang lugar na para ring yung sa isang eksena ng Lord of the Rings kung saan papunta si Gollum sa Mordor (mas creepy nga lang yun, haha).





Ayan, makikita na ang bundok na huling inakyat namin. Super dami ng puno na talagang lasap na lasap ang nature fresh ng Zest, haha.

Napagtripan naman ni Keith yung cam ko at picture siya ng picture.







Wala na masyadong pictures sa pag-akyat namin. Marami kaming naging pahinga dahil super bangin na yung inakyat namin. Muntik na kong mahulog at mabalian ng paa. Sobrang maputik ang daan. Wala kaming dalang gloves kaya wasak ang mga kamay namin sa kakahawak at kakasandal sa kung ano-ano para maiwasan ang bungee jumping na talagang nakakamatay kung sinubukan namin, haha.





Sobrang pagod na talaga kami. Naabot rin namin ang tuktok ng bundok na yun.

So sa lugar kung saan kami nagcamp ay may isang maliit na lake. Yun ang isa sa dalawang lake ng Mt. Talinis. Yung goal nga sana namin eh ang magcamp sa isang malaking lake which was one mountain away from us na lang that time. Pero super pagod na kami at kumakagat na ang dilim, eh nagdesisyon na kaming sa susunod na kabanata na lang ang bundok na yun.

Isa sa mga naging mali namin sa camping ito ay ang hindi pagdala ng tents. Haha, isa lang ang may dala ng tent samin. Inakala naming me camping shelter dun. Meron nga, pero yun yung nasa baba namin. Kaya tuloy, napilitan tuloy kaming makihalubilo sa mga uod ng lupa.





Sa kabila ng lawa eh may mga nagcamping rin. Puro lalaki, sobrang ingay at engot nila. Kaya habang sigaw sila ng sigaw sa mga babaeng kasama namin, eh inasikaso naman naming mga lalaki ang aming improvised tent. Nagsiksikan ang mga girls sa isang tent na dala namin, samantalang si Manong Celes naman eh gumawa ng sarili niyang tent.

Habang nagpapahinga ang mga girls, eh hinahanda naman naming mga boys ang aming hapunan.

Sobrang nakakatuwa yung pagtulog namin. Nagsiksikan kami sa isang maliit na improvised tent namin. Ginawa naming bubong yung sleeping bag na dala ni Adonis, tapos yung comforter ko naman ang ginawang higaan. Sa sobrang liit eh super nagsiksikan nga kami. Sobrang sakit nga sa katawan. At super duper duper lamig pa run na parang negative degrees Celsius na! Pero lamang pa rin ang naranasan kong lamig sa Ireland.



Nakatulog ako ng mga ilang oras. Pero lumipat rin ako sa tent ni Manong Celes...pero....T_T nakaupo lang ako natulog, sobrang sakit sa likod. Meron kasi siyang portable bed, haha. Ang ganda nga ng pagkagawa eh, very sturdy and good enough para isang tulog, haha. 2 oras siguro ako natulog in a sitting position. Nung parang umiilaw na yung araw eh naka-supine position na ko nang bumangon na si Mang Celes. Nang fully shining na ang magiting na araw eh natulog lang ako. Di nako tumulong sa paghanda ng agahan, kasi super sakit ng likod ko nung natulog ako ng nakaupo. T_T

Mga pictures sa umaga.









Ako lang ang nakalimot na magdala ng tsinelas, kaya tuloy supot ang ginawa kong damit sa paa

By 8am, bumaba na kami. Mas madali lang ang pagbaba, pero mahirap pa rin at parang mas dangerous. Umulan kasi nung gabi. Basang-basa nga kami nun eh kasi nga di naman talaga fully covered kami nung bubung-bubungan na ginawa namin. Anyway, sobrang maputik yung daan kaya muli akong nagka-FAMAS award sa kakaslide.

Huminto kami ng sandali sa Dead River, nagpicture -picture at nag-refill ng tubig. Straight na yung pagbaba namin.








Yung last pit stop namin eh dun sa isang sapa kung saan kami naligo. KJ yung mga babae kaya di na sila sumali sa pagligo. Me isang mahabang dilaw na patay na ahas pa nga rung nakalutang haha, pero dive pa rin kami ng dive, yoohooo.





Nakabalik kami sa base around 1pm. Ang init-init, para naman kaming bumaba sa impyerno, haha. Di na kami nagtagal run at pumunta na kami sa pinakamalapit na lechon manukan. Lamon kami agad pagkatapos kaming mahatid sa pabalik sa Dumaguete.

At dun nagtatapos ang aking adventure sa Mount Talinis. Gusto ko pang bumalik!! Hehe! Hanggang sa susunod na adventure! Nyahaha



CLICK FOR PART 1 HERE

44 comments:

bulakbolero.sg said...

asteeg sir, bundokeros din pala kayu!
next time pede naman magpaa pag nakalimot ng tsinelas... bundokeros naman eh. haha.... :P anyway highway, ayus yung naisip nio.. improvised tsinelas.

Renz said...

nice adventure mukang super sayang experience yan sa wilds :]

ang ganda ng mga shots.. high quality cam? hehe

the donG said...

galing galing ng post na to. first to see it here. very interesting indeed how the place turned like that. maybe you can ask Born To Be Wild to feature this.

Sendo said...

@bulakbolero....haha, talino ko hahaha

@renz - canon powershot digi cam lang hehe

@sir dong - talaga? pano yun? tanggap kaya ako sa standards nila? hehe..at san yung born to be wild hehe..salamat sir

I am Xprosaic said...

Ayos nga eh... nakabakasyon ka rin naman pala eh... jijijijijiji... naku grade 5 ako nung una kong ginawa ang trekking at mountain climbing pero tinigil ko after 1st year college... para s akin graduate na ako dun... jijijijijiji

nuts said...

wow, now i know where is Mount Talinis.. Great post! feeling ko kasama ako sa trip na to.. sana ma-experience ko din ganito.

eMz said...

ang ganda naman dyan, parang gusto ko rin tuloy mag-trekking. woot!

infernez ha, ang shala ng iyong medyas -- Gaisano! hehe! jk! XD

Sendo said...

@xprosaic...naks naman...pero bitaw..i wanna go to those falls...san ba un?? san ba ung lake sebu????

@nuts --- punta ka rito hehe

@emz -- siyempre haha..talagang gaisanong gaisano..

Jag said...

I enjoyed watching the photos hehehe...namiss ko tuloy ang mgclimbing...

mjomesa said...

nindota ana da...makaanha pud ta ko..wahaahah

reyjr said...

Wow! I've never gone hiking before, much less camp out. Hehe. COngrats! Looks like you all had fun (despite the lack of proper footwear and all!) Nakaka-inggit naman!

eden said...

Wow, what an exciting adventure! Never heard about Mt Talinis before. Ka nice man sa place. Great shots too.

Paul Pacheco said...

sarap ng adventure. nice pictures! sana isang araw, makapaglakbay ako sa daang iyong tinahak. lol

bluedreamer27 said...

wow ang ganda naman ng lugar na yan, di pa ako nakaranas makapag mountain climbing... hopefully someday ... by the way it's nice to be here in your blog, i saw you in one of my friend's blog so i decided to drop by and pay to vsit... i am also following your blog now so i can visit you more often

have a great day and happy blogging

if you have time you can visit me too at Bluedreamer's Top Five


thanks

bluedreamer27 said...

by the way i am currently running a contest entitled "blog idol"
here's how the contest works
http://bluedreamer27.blogspot.com/2010/04/simplified-explanation-on-how-blog-idol.html

and if you're interested to join, you can sign up here
http://blogidol09.blogspot.com/2010/04/welcome-to-blog-idol-2010.html

Sendo said...

@Jag...hehe, u should go on a camping habang tag-init pa..kesa naman abutin ka ng ulan hehe...mahirap na yun...and..asan ka na? napadaan ba kayo ng dumaguete? hehe

Sendo said...

@MJ - hehe...bitaw..if gusto ka laag didto ingna ra ko..iguide tikaw....ipaila-ila takaw sa guide..hehe...or if ganahan ra ka diri dumaguete, daghan chada diri haha..

Sendo said...

@reyjr - try niyo..it's really fun especially pag me topag ung mga kasama mo, hehe, katuwaan kahit na nahihirapan ng umakyat...kahit nauubusan nang hangin..hehe...ayos pag kwela hehe

@eden-thanks mam

random student said...

kakainlab yung batis. naalala ko tuloy yung banahaw trek ko nung high school

Dhemz said...

oh my....overwhelming ang mga photos...I love them all...daghan actions...ehehehe!

agoy, ginoo ko...ahhaha...maau gani kay naay supot...kuyawa pod kay pinutos man ang tiil...ehehehe!

thanks for sharing all the photos Sendz...nalingaw ko ug tan-aw....:)

Chyng said...

Hehe, pwede!!!

Adik kayo, wala kayong tent? Now you know... Lesson learned the hard way. Hirap pa nama namgtrek ng walang tulog.

Oh well, next time magalingng trekkers na tayo. Ü

congrats!

Glampinoy said...

Hay,,,Miss ko na ang pag-akyat sa bundok, pagtawid ng ilog, at maghiking.

fiel-kun said...

Waah kakaingit talaga yang ginawa nyong nature tripping parekoy! sana magawa ko rin yan one of these days ^_^

Tamang-tama din yung tema for Earth Day! Ganda ng Mount Talinis ^^

Sendo said...

@mam demz...haha..salamat mam - ayos kay akong tiil noh? resourceful kaayo ko hahaha

@chyng - super lesson learned nga haha..nakakatuwang isipin at nakakahiya sayo haha..kasi expert na expert kayo eh hehe

@glam - o nga--try mo this summer

@fiel - mahal ko talaga nature ...Happy Earth DAY! ^^

ahmer said...

Hays i miss mountain climbing trekking busy na kase sa work kaya wala na masyadong fun fun fun hehe

Ayie said...

Earth day post ba ito? heheheh! Iba talaga ang pinas.

Fjordan Allego said...

huwaw! nakakatuwa naman yung adventure niyo.. naalala ko tuloy nang minsang umakyat din kami ng bundok ng barkada ko. First and last ko na yun.. hahaha kakainggit!

www.myfjordz.com

Sendo said...

@fjordz...sobrang katuwaan nga hehe...try niyo pa..sayang ang summer..masarap sa bundok kasi malamig hehe! ^^

Sendo said...

@ayie - parang ganun na rin! ganda talaga pinas...daming mga undiscovered wonders hehe

Sendo said...

@ahmer..ok lang yan haha.. mountain hiking/climbing/trekking agad punteryahin mo pag me holiday hehe

mjomesa said...

oi nakakita na mi ani sa imo FB...wahahha..

isuroy pud ko dha be...wahahaha

Arvin U. de la Peña said...

hanep na adventure ah..ayos ang pagkakakuha ng mga larawan..ikaw siguro ang nag picture,hehe..

MarcoPaolo said...

NAKS! umakyat pala kayo ng bundok. ganda naman!

enhenyero said...

sarap mag hiking, pero nakakapagod jejejeje

bluedreamer27 said...

hi sendo... thanks for visiting my blog and for your comments too.. and thanks for joining the idol, wish all the best for you...
will give you the link where to send the song entries soon..
have agreat day and happy blogging.

CaptainRunner said...

Nice adventure. Ang hiwaga na sa pusod ng bundok na puro puno ay may patay na batis at sanga ng puno.

anthony said...

ugh kakainggit. gusto ko rin magmaountain hike. grrr. hahaha nice adventure :))

Sendo said...

to all --- try niyo rin umakyat ng bundok hehe...

@paolo --- napakamahiwaga nga hehe..nakakatuwa.. ^^

@arvin ---yep..salamat hehe

bluedreamer27 said...

hi sendo, just visiting you here again have a great day and happy blogging

XIAN said...

NICE!
Gusto ko ring ma-try mga ganyang mountain adventure 8D

and nice shot! ganda ng pics 8D

bleep said...

the same group of friends parati ba? saya nyo naman.

"Nars" ka pala LOL. just saw your profile. practicing?

Sendo said...

@bluedreamer...thanks

@xian..hehe uu saya hehe

@bleep--yep..churchmates ko hehe
..reviewing hahaha...soon to be nurse pa hehe

Sendo said...

@bluedreamer...thanks

@xian..hehe uu saya hehe

@bleep--yep..churchmates ko hehe
..reviewing hahaha...soon to be nurse pa hehe

seashells said...

hello po! ganda ng post mo, nice overview on what we can expect when we get there. May plan po kasi kame na umakyat this august, meron po ba kayo guide nung umakyat kayo?