Mount Talinis PART 1

Thursday, April 15, 2010

I've really been wanting to post this since we arrived from the plummet of around 5,905 feet above sea level last Saturday. My crappy laptop slowed me down while sorting, editing, and uploading like a jillion snapshots plus four consecutive days of hospital duty even more slugged... so I missed like a week of posts and couldn't blog right away >_<

CLICK FOR PART 2 HERE

APRIL 9-10, 2010
Anyhoo, here it was, ang ginawa namin nung Araw ng Kagitingan...the chekang-chekang adventure that had us climb through what looked like 80-degree slopes. Nagpista kami ng putik at sobrang nakapagbawas kami ng taba. THE TREK TO MOUNT TALINIS.

FROM WIKIPEDIA:

Bago ang lahat eh alamin muna natin ang kachurvahan ng bundok na aming kinareer.

Mount Talinis, also known as the Cuernos de Negros (Horns of Negros), is a stratovolcano in the Philippine province of Negros Oriental. At about 1,903 meters(5905 feet) above sea level, it is the second highest mountain in Negros Oriental after Mt Kanla-on.

Cuernos de Negros is a potentially active volcano, with a base diameter of 36 kilometres, and has many volcanic lakes and solfataric or volcanic sulfurous steam vents. Main rock types are andesite and basalt. It is located 9 kilometers southwest of Valencia, Negros Oriental, forming part of the Negros Volcanic Belt.




Before we started the adventure, nagpapicture muna kami sa kuko ng Mount Talinis, dahil baka di na kami makaligtas at makabalik pauwi, haha. So ayan, posing-posing. Siyam (9) kaming mga amateur mountaineers na nakipagsapalaran sa gubat, ilog, putik, at bangin ng kabundukan (churchmates ko sila). Tingnan niyo naman ang outfit at angal namin, parang magjajogging lang haha. Siyempre may nagtiyagang mag-guide samin papunta sa Mount Talinis, si Manong Celestino (a.k.a Celes). Binayaran namin siya para ituro samin ang mahiwagang daan papuntang Mount Talinis. Pag hindi namin siya sinama sa bundok ay siguradong one month missing na kami sa Dumaguete.

Para walang maiwan, mawala, maligaw, o mahulog sa bangin, kelangan naming mag-buddy-buddy. Ka-buddy ko si Jenty, siya yung babaeng parang singlawak ng Andromeda ang baga. Akalain mo, mula sa pag-akyat, hanggang sa kinabukasan na bumaba kami ng bundok, di ko talaga siya nakitang lumamon ng hangin sa pagod. Nahiya nga ako kasi parang ako pa yung inalalayan niya. Sa lampa ko eh limang beses akong nabigyan ng FAMAS award nang madulas rin ako ng limang beses.


Buddy-Buddy


Without further ado, ayun umakyat na kami ng bundok at 8am. We had a lot of water breaks at hangin breaks kasi nga first time namin at hindi naman kami ganun ka physically fit nyahaha. Di lang talaga maiwasan na mawalan ng hangin yung iba. Pero pagmamayabang ko lang na during around 2,000 feet of ascent, calm face lang ako ever! haha.




Di ko na mabilang kung nakailang water break at hangin break na kami. Nagkatuwaan kami along the way kasi napakaboring naman na parang extended ang semana santa sa bundok ng Talinis. Ayun, tinakot namin lahat ng mga nuno habang nagsisigawan kaming umakyat.





Dahil kami ni Kuya Migz yung nasa huli ng trail, eh napagtripan na rin naming magpicture picture na kami lang, haha.

Mula sa kuko ay nagkaroon kami ng pinakamahabang water/hangin break sa isang sapa. Malapit na daw mula run ang sinasabi ni Manong Celes na "TWIN FALLS", kaya excited na kami sa panahong yan.




Hinto naman ako ng hinto upang magpicture ng magpicture. Kami lang ni Natnat yung may bitbit na cams, pero minsan lang kinakalabit ni Natnat yung sa kanya. Mostly, ako pa rin yung kumukuha gamit yung cam niya, kaya tuloy kokonti lang pictures ko huhu T_T






At para sa aming 15th break eh me nakasalubong kaming mga nakaarmas. Akala nga namin NPA o HUKBAHALAP at end of the world na, yun pala eh mga military trainees lang, WHEW.





Naubusan rin kami ng tubig sa kaka-water break. Kaya napahinto kami sa may tubo of overflowing fresh water. Iba talaga ang tubig sa gubat, super fresh, super sarap at super replenishing na parang isang patak lang ay talo na ang isang bote ng COBRA.



Nang papalapit na kami sa TWIN FALLS, ayun, nareplenish na nga kami ng tubig kaya medyo bumilis na yung pacing namin. At finally ay nasaliyan na rin namin ang ganda ng twin falls. Dun na kami naglunch at nagpahinga ng dalawang oras at super duper kaming nagkatuwaan. Ibinuhos na namin ang aming overflowing energy na dulot ng napakalakas-tamang tubig-gubat, nyahaha.







Nagtiyaga kami sa canned goods dahil alam naming walang fastfood chains sa unahan. Super nabusog naman kami kaya mas lalo kaming naenergize. Kaya after lunch, nagbrush kami ng teeth dun sa isang maliit na falls, at tiniis ang mega lamig ng TWIN FALLS. Nagkatuwaan naman kami dahil may parang ebak na substance dun sa mga bato-bato ng falls na sabi ni Keith ay Iron daw, na sa tingin ko naman eh ebak ng dinosaur ng sinaunang panahon.


Toothbrush Moments





At Katuwaan



THE TWIN FALLS






Sobra kaming nag-enjoy sa mega lamig na tubig. Sabi nga nila parang ang kapal-kapal ata ng kalyo sa katawan ko kasi bigay na bigay ako sa tubig.

Matapos ang katuwaan sa tubig eh nagretouch na kami at nag-impake. May dalawang bundok pa kaming aakyatin. Goal kasi namin maabot yung pinakatuktok ng bundok, ung sa may crater, ung may lake. 2pm ng kami'y muling naglakbay. Mula sa 80 degrees na inclination, parang nadagdagan ng 2 degrees, kaya mahirap pa rin. Masyado na ring maputik ang lupa kaya mas lalong mahirap. All we wanted that time eh ang makapaglakad sa isang patag na lupain. Makalipas ang isang oras ng pag-akyat sa 82 degrees na slope..at bumaba ng bundok ng another 82 degrees...dahil nga crossing over the mountain kami....ayun...nakakita rin kami ng isang kapatagang parang yung sa Lord of the Rings ang hitsura. At dun rin namin nakita ang tinatawag nilang THE DEAD RIVER. Super Lord of the Rings talaga ang drama sa susunod na kabanata.




TO BE CONTINUED....


CLICK FOR PART 2 HERE

30 comments:

Marice said...

wow! ansaya! i have always been dreaming of climbing or even just trekking even before I got married but i havent got a chance. lalo na now :(

I am Xprosaic said...

Ayos ah... saya talaga ng summer! jejejejejejeje

JENIE=) said...

always wanted to do that...but never did! sarap ha! guess don't really have the stamina and the guts to face the the lizards roaming around there (eawww). In my entire life i just had 2 "almost the same" activity...went up taal volcano (not with friends as i would want to but family) and the mountain of our family in batangas we call "silangan" to see my lolo's acres of land.

anyways, you are linked in my at-a-blink as i am in yours. what of my other blogs? seen them?
http://heniperrr.blogspot.com
http://earthymsjen.blogspot.com
http://heartquakesss.blogspot.com

anthony said...

whoa. nice trip. Gusto ko ring magmountain climbing. Soo saya. :))

karen anne said...

asteeg.. nice shots... coOL. n_n

tim said...

wow, ang say.. pwede nyo in try ang mt. Apo, naku saya din dito..

Ghienoxs said...

gusto ko talagang mag mountain trekking, nature lover kasi ako..hahaha.. sa dumaguete ba to?

Melch Tolentino said...

This is so much FUN! I wish I could also have the liberty of time to do the same stuff. :|

Dhemz said...

agoy mabuang ko sa photos....nakaka envy...lami kuyog...ehehehe!

kuyawa sad ug name kay Talinis man....ehehehhe....:)

ka bibo ninyo woi...sige man pahuway....:)

thanks for sharing the photos Sendz...glad to hear you are back....salamat pod sa birthday greetings!

KESO said...

wow ang cool ng shots. anong camera mo? hehe, and dun sa may dead river, bakit ganon ung color ng mga puno, astig.

mjomesa said...

hahaha...kung may Lords of the Rings, i'm sure kaw jud si Golum...wahahaha..my preciouuuusss...

Sendo said...

@marice - u can still do it with your hubby & kids...but not at 5,905 ft high though hehe...a thousand feet would be sufficiently satisfying and fun with your family hehe

@prosaic - yeah...wishing to have other styles of adventure hehe...gusto ko underwater adventure naman hehe

Sendo said...

@jenie - haha..wala naman kami masyadong nakitang mga butiki ...o mga higanteng butiki..pero may ahas!! haha...naligo pa kami sa isa pang sapa....me patay na ahas! sobrang haba nga eh..good thing patay na siya haha..pero nakadisplay siya sa tubig in fairness..panakot ata..pero todo langoy pa rin kami hehe

Sendo said...

@jenie - haha..wala naman kami masyadong nakitang mga butiki ...o mga higanteng butiki..pero may ahas!! haha...naligo pa kami sa isa pang sapa....me patay na ahas! sobrang haba nga eh..good thing patay na siya haha..pero nakadisplay siya sa tubig in fairness..panakot ata..pero todo langoy pa rin kami hehe

Sendo said...

@jenie - haha..wala naman kami masyadong nakitang mga butiki ...o mga higanteng butiki..pero may ahas!! haha...naligo pa kami sa isa pang sapa....me patay na ahas! sobrang haba nga eh..good thing patay na siya haha..pero nakadisplay siya sa tubig in fairness..panakot ata..pero todo langoy pa rin kami hehe

Sendo said...

@anthony -- haha..try mo..saya talaga..try mo habang summer pa hehe

@anne - thanks

@Tim - Mt. Apo??? naman, high school ko pa pinangarap pumuntang Apo hehe...the highest peak we've got here in the Phil! yoh..sana nga makapunta kami dun! i love davao din kasi hehe

@ghienox - it's in valencia..a municipality one hour away from dumaguete...andun ang base ng Mount Talinis....ganda talaga umakyat ng bundok at mag-enjoy sa gubat..super virgin forest talaga yun dun haha

Sendo said...

@anthony -- haha..try mo..saya talaga..try mo habang summer pa hehe

@anne - thanks

@Tim - Mt. Apo??? naman, high school ko pa pinangarap pumuntang Apo hehe...the highest peak we've got here in the Phil! yoh..sana nga makapunta kami dun! i love davao din kasi hehe

@ghienox - it's in valencia..a municipality one hour away from dumaguete...andun ang base ng Mount Talinis....ganda talaga umakyat ng bundok at mag-enjoy sa gubat..super virgin forest talaga yun dun haha

Sendo said...

@melch --punta ka hehe..pinatubo
--ganda dun

@mam dhemz - bitaw..ako ipost unya hehe..

@keso - ung powershot ko na napostko dito dati ..canon powershot...puti ung mga puno dahil sa sulphur..hmmm nakalimutan ko kung san galingung sulphur...kaya siya dead river eh dahil sa sulphur na nahalo sa tubig at saka...naku nakalimutan ko..tanungin ko muna ung mga kasamahan ko haha....will post about the dead river maya ^^

@mjay --mo lang...na..sayang lagi kay later na namo na naconceptualize pag abot namo sa dumaguete..padulong lagi daw unta mi ug mordor ana..wahahaha..my preciousssss

Chingoy said...

isang beses pa lang ako nakakaakyat ng bundok... matagal tagal na rin un... kelangan maulit..

sana maulit muli... lalalala

fumbledapple said...

Question: Ano pong gamit mong camera?

Sendo said...

@chingoy - mauulit rin yan

@fumbled - canon powershot iso 20 hehe

Renz said...

wow! super saya naman ng ganyang adventure gusto ko din niyan

btw kua nice pictures..naka slr ka?

fiel-kun said...

Waah inggit naman ako T_T

Astig! sarap magnature tripping with your barkadas! nice!

Ganda ng sceneries.

the donG said...

ang saya diyan ah lalo na masaya ang mga kasama. aabangan ko ang ala Lord of the Rings na scene. hahaha... pero kakalungkot makita ang mga kahoy.

Chyng said...

mas maganda yung trail na nadaanan nyo, sa pulag walang gangayng falls o spring man lang. mukhang kapagod yung trek, pero all worth the fun!

Sendo said...

@renz..inde hehe...canon powershot iso gamit ko ^^ salamat

@fiel -- sige ba..try niyo..masaya

@the dong -- hehe...o nga eh, nakakatuwa gusto namin ulitin sa mas mataas na bundok..sa mount apo na! haha

@chyng--hehe, wala ngang signs and navigations dun eh hehe...kakatakot talagang mawawala kami kung wala kaming guide

Vernz said...

was here... seeing you back! wow... and saya-saya naman nito! I used to do this when I was younger .... ahihihi!

In This Side of Town
Anything Davao
Some Things Are Free
Woman’s elan vital

micki said...

sept this year inakyat din namin ang mt. talinis.. nag enjoy ako basahin ang entry mo because we had the same experience.. from being a newbie mountaineer to the get-up na parang mag ae-aerobics lang.. good thing we were with a bunch of mountaineers.. i have to say climbing mt. talinis was definitely made me realize to travel wide and experience nature more! :)

Sendo said...

Hi Micki! Wow. good for you! Gusto nga namin akyatin ulit Mt. Talinis..this time, with complete gears na..and with tent! haha...grabe ...super ansaya nun kahit kulang kulang kami...nakakatuwa chooper...which route did you take? may dalawang routes kasi papuntang talinis..one in valencia (difficult) and the other one is in dauin (moderate-difficult). We tookt he former one kasi...grabe..at saka nagtataka pa kami kasi ung guide namin na local lang dun..pati siya nawala sa trail haha. Pero everything went fine. Ang ganda dun diba? Yeah...I also realized the same thing. Nature is vast, and maraming mountains pa sa pilipinas ang magandang akyatin. sana makaakyat pa tayo ng mas maraming mountains hehe. ^^

micki said...

apir! enjoy talaga!! we took the Apolong route (valencia) then labas ng dauin pauwi.. major climb pala un.. my friend and i were whining all the way through. hahaha we were with cuernos de negros mountaineers. super ganda! we did not climb through the summit kasi super pagod na kami.. the route pauwi was harder kasi umulan, maputik and we were the last one. so super sira ng trail. my office mates and i are planning to climb mt. talinis this nov. :) how about Kanlaon?