Mount Talinis PART 1

11:57 PM

I've really been wanting to post this since we arrived from the plummet of around 5,905 feet above sea level last Saturday. My crappy laptop slowed me down while sorting, editing, and uploading like a jillion snapshots plus four consecutive days of hospital duty even more slugged... so I missed like a week of posts and couldn't blog right away >_<

CLICK FOR PART 2 HERE

APRIL 9-10, 2010
Anyhoo, here it was, ang ginawa namin nung Araw ng Kagitingan...the chekang-chekang adventure that had us climb through what looked like 80-degree slopes. Nagpista kami ng putik at sobrang nakapagbawas kami ng taba. THE TREK TO MOUNT TALINIS.

FROM WIKIPEDIA:

Bago ang lahat eh alamin muna natin ang kachurvahan ng bundok na aming kinareer.

Mount Talinis, also known as the Cuernos de Negros (Horns of Negros), is a stratovolcano in the Philippine province of Negros Oriental. At about 1,903 meters(5905 feet) above sea level, it is the second highest mountain in Negros Oriental after Mt Kanla-on.

Cuernos de Negros is a potentially active volcano, with a base diameter of 36 kilometres, and has many volcanic lakes and solfataric or volcanic sulfurous steam vents. Main rock types are andesite and basalt. It is located 9 kilometers southwest of Valencia, Negros Oriental, forming part of the Negros Volcanic Belt.




Before we started the adventure, nagpapicture muna kami sa kuko ng Mount Talinis, dahil baka di na kami makaligtas at makabalik pauwi, haha. So ayan, posing-posing. Siyam (9) kaming mga amateur mountaineers na nakipagsapalaran sa gubat, ilog, putik, at bangin ng kabundukan (churchmates ko sila). Tingnan niyo naman ang outfit at angal namin, parang magjajogging lang haha. Siyempre may nagtiyagang mag-guide samin papunta sa Mount Talinis, si Manong Celestino (a.k.a Celes). Binayaran namin siya para ituro samin ang mahiwagang daan papuntang Mount Talinis. Pag hindi namin siya sinama sa bundok ay siguradong one month missing na kami sa Dumaguete.

Para walang maiwan, mawala, maligaw, o mahulog sa bangin, kelangan naming mag-buddy-buddy. Ka-buddy ko si Jenty, siya yung babaeng parang singlawak ng Andromeda ang baga. Akalain mo, mula sa pag-akyat, hanggang sa kinabukasan na bumaba kami ng bundok, di ko talaga siya nakitang lumamon ng hangin sa pagod. Nahiya nga ako kasi parang ako pa yung inalalayan niya. Sa lampa ko eh limang beses akong nabigyan ng FAMAS award nang madulas rin ako ng limang beses.


Buddy-Buddy


Without further ado, ayun umakyat na kami ng bundok at 8am. We had a lot of water breaks at hangin breaks kasi nga first time namin at hindi naman kami ganun ka physically fit nyahaha. Di lang talaga maiwasan na mawalan ng hangin yung iba. Pero pagmamayabang ko lang na during around 2,000 feet of ascent, calm face lang ako ever! haha.




Di ko na mabilang kung nakailang water break at hangin break na kami. Nagkatuwaan kami along the way kasi napakaboring naman na parang extended ang semana santa sa bundok ng Talinis. Ayun, tinakot namin lahat ng mga nuno habang nagsisigawan kaming umakyat.





Dahil kami ni Kuya Migz yung nasa huli ng trail, eh napagtripan na rin naming magpicture picture na kami lang, haha.

Mula sa kuko ay nagkaroon kami ng pinakamahabang water/hangin break sa isang sapa. Malapit na daw mula run ang sinasabi ni Manong Celes na "TWIN FALLS", kaya excited na kami sa panahong yan.




Hinto naman ako ng hinto upang magpicture ng magpicture. Kami lang ni Natnat yung may bitbit na cams, pero minsan lang kinakalabit ni Natnat yung sa kanya. Mostly, ako pa rin yung kumukuha gamit yung cam niya, kaya tuloy kokonti lang pictures ko huhu T_T






At para sa aming 15th break eh me nakasalubong kaming mga nakaarmas. Akala nga namin NPA o HUKBAHALAP at end of the world na, yun pala eh mga military trainees lang, WHEW.





Naubusan rin kami ng tubig sa kaka-water break. Kaya napahinto kami sa may tubo of overflowing fresh water. Iba talaga ang tubig sa gubat, super fresh, super sarap at super replenishing na parang isang patak lang ay talo na ang isang bote ng COBRA.



Nang papalapit na kami sa TWIN FALLS, ayun, nareplenish na nga kami ng tubig kaya medyo bumilis na yung pacing namin. At finally ay nasaliyan na rin namin ang ganda ng twin falls. Dun na kami naglunch at nagpahinga ng dalawang oras at super duper kaming nagkatuwaan. Ibinuhos na namin ang aming overflowing energy na dulot ng napakalakas-tamang tubig-gubat, nyahaha.







Nagtiyaga kami sa canned goods dahil alam naming walang fastfood chains sa unahan. Super nabusog naman kami kaya mas lalo kaming naenergize. Kaya after lunch, nagbrush kami ng teeth dun sa isang maliit na falls, at tiniis ang mega lamig ng TWIN FALLS. Nagkatuwaan naman kami dahil may parang ebak na substance dun sa mga bato-bato ng falls na sabi ni Keith ay Iron daw, na sa tingin ko naman eh ebak ng dinosaur ng sinaunang panahon.


Toothbrush Moments





At Katuwaan



THE TWIN FALLS






Sobra kaming nag-enjoy sa mega lamig na tubig. Sabi nga nila parang ang kapal-kapal ata ng kalyo sa katawan ko kasi bigay na bigay ako sa tubig.

Matapos ang katuwaan sa tubig eh nagretouch na kami at nag-impake. May dalawang bundok pa kaming aakyatin. Goal kasi namin maabot yung pinakatuktok ng bundok, ung sa may crater, ung may lake. 2pm ng kami'y muling naglakbay. Mula sa 80 degrees na inclination, parang nadagdagan ng 2 degrees, kaya mahirap pa rin. Masyado na ring maputik ang lupa kaya mas lalong mahirap. All we wanted that time eh ang makapaglakad sa isang patag na lupain. Makalipas ang isang oras ng pag-akyat sa 82 degrees na slope..at bumaba ng bundok ng another 82 degrees...dahil nga crossing over the mountain kami....ayun...nakakita rin kami ng isang kapatagang parang yung sa Lord of the Rings ang hitsura. At dun rin namin nakita ang tinatawag nilang THE DEAD RIVER. Super Lord of the Rings talaga ang drama sa susunod na kabanata.




TO BE CONTINUED....


CLICK FOR PART 2 HERE

You Might Also Like

30 comments so far

Like us on Facebook