Who is your bet this May 2010 elections?

Wednesday, April 14, 2010


I've been wearing the NOYNOY cap my mom got me from her visit in Baguio last month. Since then, everybody's been asking me if Noynoy Aquino is my presidential bet. I like NINOY, but I'm not really that confident of Noynoy other than the lineage he's hailed from.

Instead, I'm more confident to go for Gilbert "Gibo" Teodoro amidst the number of assaults he's been getting from oppositions--pakialam ko ba, haha. He has really quite impressed me in the presidential debates I've watched on Youtube. Among the presidentiables, definitely siya ang pinaka-assertive sumagot sa mga tanong nung mga nagtanong. At tingin ko kung itatanong ko sa kanya ang pinakamahirap na tanong sa mundo, masasagot pa rin niya yun, char!

Nakakamangha rin yung credentials niya. Kasingsapat lang rin naman ata yung experience niya kay Noynoy kung dun natin pagbabasihan. Pero super mas impressive si GIBO! Haha! Ewan ko rin ba, kasi nga naman usap-usapan din sa mga lansangan ang koneksyon ni Gibo sa super hate ng Pilipinas na si Pres. GMA, kaya ayaw nila sa kanya at dun na lang sila GO for Noynoy.

Actually, second presidential bet ko si Noynoy. Malakas rin naman tama niya sa masa kasi nga mother and father niya are considered heroes of the country. Hindi naman talaga kami close, pero napakaamo talaga ng mukha niya mana kay Daddy.

Third presidential bet ko naman ay si Villanueva, simply because mahal na mahal niya si Lord at tiyak kung magiging presidente man siya eh paninindigan niya hindi lang ang mga problema ng Pilipinas kundi ang pananampalataya sa Diyos. Sana nga eh yun ang basehan ng pagpili. PERO HINDI, dahil sa GALING at TALINO nakaabang ang mga voters. Kaya...GO GIBO! Haha.

Kung paramihan ng posters at campaign strategies ang basehan ng pagboto, tiyak si Villar na ang panalo. "SIYA ANG TUNAY NA BAYANI" ayun nga sa kanta na tingin ko ay patagong kinompose ni Baby James, haha. Talo ang yellow ribbons ni Noynoy at ang airplane stickers ni Gibo, super SIPAG at TIYAGA talaga ang binubuhos ng mga campaign managers ni Villar para makuha ang boto ng mga tao. Pero unfortunately, wala sa print ads at media ang pagpili, kaya sana PILIPINAS wag kang mabingi't mabulag sa mga JINGLES na yan. May jingle si Gibo, pero simple lang, kaya GO pa rin ako for him! Haha. SHARE KO LANG!

ANYHOO, HOO, HOO, nalulungkot akong sabihin kay GIBO na hindi mabibilang ang boto ko sa May 10 dahil hindi ako nakapagregister, huhu.

Alam kong hindi sapat ang mga rason ko kung bakit siya ang presidential bet ko ...kasi nga hindi naman ako boboto kaya stick na lang ako sa nakakamanghang credentials at salient speeches ni GIBO.

Pero ikaw, kung registered ka man, sino ang iboboto mo at bakit? Explain in not less than 5 sentences, haha.

15 comments:

Jag said...

Noynoy pa rin ako...lung bakit? sikretong malupit n iyon hahaha...parang hindi nga ako makakaboto eh hayz!

Dhemz said...

ayay! yellow man kaau ang cap...ehehhehe....:)

na ambot woi, d man sad ko confident nga ma president si noynoy...basta, vote wisely nalang kau jan....:)

I am Xprosaic said...

Di na natin kelangan ng matalino... eh yung present nga matalino ganun din naman... kelangan yung may dedication talaga at may pagmamalasakit sa bayan... sadly walang pumasa sa standards ko kaya wala akong iboboto... jejejejejejeje

MarcoPaolo said...

vote wisely! :D

enhenyero said...

pareho tayo! I go for GIBO but di rin mabibilang boto ko...

just one wish : manalo sana ang karapatdapat na maging mamuno sa ating bansa.

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

buti na lang di pa ako boboto this year kasi..wala talaga akong maplili sa mga presedentiables :P

KESO said...

apir. gibo din ako e, haha. napahanga din ako sa pgsagot nya during debates, then pangalawa ko is gordon. sila lang naman ni gibo ang merong napakaintelehenteng mga sagot. and nangunguna si gordon sa UP during their last mock elections. wala din akong pakialam kung si gibo ay suportado ni arroyo, siguro naman may sariling paguutak si gibo para sundin ang sarili niyang desisyon at hndi papaapekto sa mga demonyong nakapaligid sa knya. haha. so aun go gibo. oops, di din pala ako nkpgparegister. aww.

kcatwoman said...

sayang! bakit hindi ka nakapagregister. anyway, this elections, im voting for manny villar. he is a very controversial politician. pero naniniwala ako sa kanya dahil maraming developments dito sa home turf nya dito sa las pinas :)

kcatwoman
ldspinay
bestpinay

hArTLeSsChiq said...

go for green!! Gibo rin ako APIR!

UMI said...

I go for Gordon. :))

random student said...

i'm not voting. i want another form of democracy, not the current one. time to change the consti. update the regional rate. lessen the epxose and scandals.

mjomesa said...

Go bisdak! GIBO tayo...hehehe...I'm really not confident if si Noynoy ang iboboto ko, parang iba yung feeling eh. Well, di naman sa ayoko sa kanya. Moral issues, NOY probz ako sa kanya, but iba kasi ang government eh. We need someone na marunong sa lahat ng anggulo and I think GIBO can handle such.

Gibo pag-umepal ka, babalatan kita. Sana manalo ka! Woooooo...

choknat said...

puro GIBO ah.. ang iboboto ko for President, Gordon. :)

Sendo said...

haha....ayos ah..iba iba..pero panalo si gibo! GO GIBO!!! haha

Chyng said...

Sayang namang mga opinions mo dito, di ka naman pala botante. hehe

+ 1 GORDON. Ang hirap makapagwork sa foreign countries, what more makapagdala ng foreign companies na base dito sa subic right? Pero nagawa nya.

Noynoy cant even manage some hectares in Luisita, what more 7107 islands. hehe