Who is your bet this May 2010 elections?

10:50 PM


I've been wearing the NOYNOY cap my mom got me from her visit in Baguio last month. Since then, everybody's been asking me if Noynoy Aquino is my presidential bet. I like NINOY, but I'm not really that confident of Noynoy other than the lineage he's hailed from.

Instead, I'm more confident to go for Gilbert "Gibo" Teodoro amidst the number of assaults he's been getting from oppositions--pakialam ko ba, haha. He has really quite impressed me in the presidential debates I've watched on Youtube. Among the presidentiables, definitely siya ang pinaka-assertive sumagot sa mga tanong nung mga nagtanong. At tingin ko kung itatanong ko sa kanya ang pinakamahirap na tanong sa mundo, masasagot pa rin niya yun, char!

Nakakamangha rin yung credentials niya. Kasingsapat lang rin naman ata yung experience niya kay Noynoy kung dun natin pagbabasihan. Pero super mas impressive si GIBO! Haha! Ewan ko rin ba, kasi nga naman usap-usapan din sa mga lansangan ang koneksyon ni Gibo sa super hate ng Pilipinas na si Pres. GMA, kaya ayaw nila sa kanya at dun na lang sila GO for Noynoy.

Actually, second presidential bet ko si Noynoy. Malakas rin naman tama niya sa masa kasi nga mother and father niya are considered heroes of the country. Hindi naman talaga kami close, pero napakaamo talaga ng mukha niya mana kay Daddy.

Third presidential bet ko naman ay si Villanueva, simply because mahal na mahal niya si Lord at tiyak kung magiging presidente man siya eh paninindigan niya hindi lang ang mga problema ng Pilipinas kundi ang pananampalataya sa Diyos. Sana nga eh yun ang basehan ng pagpili. PERO HINDI, dahil sa GALING at TALINO nakaabang ang mga voters. Kaya...GO GIBO! Haha.

Kung paramihan ng posters at campaign strategies ang basehan ng pagboto, tiyak si Villar na ang panalo. "SIYA ANG TUNAY NA BAYANI" ayun nga sa kanta na tingin ko ay patagong kinompose ni Baby James, haha. Talo ang yellow ribbons ni Noynoy at ang airplane stickers ni Gibo, super SIPAG at TIYAGA talaga ang binubuhos ng mga campaign managers ni Villar para makuha ang boto ng mga tao. Pero unfortunately, wala sa print ads at media ang pagpili, kaya sana PILIPINAS wag kang mabingi't mabulag sa mga JINGLES na yan. May jingle si Gibo, pero simple lang, kaya GO pa rin ako for him! Haha. SHARE KO LANG!

ANYHOO, HOO, HOO, nalulungkot akong sabihin kay GIBO na hindi mabibilang ang boto ko sa May 10 dahil hindi ako nakapagregister, huhu.

Alam kong hindi sapat ang mga rason ko kung bakit siya ang presidential bet ko ...kasi nga hindi naman ako boboto kaya stick na lang ako sa nakakamanghang credentials at salient speeches ni GIBO.

Pero ikaw, kung registered ka man, sino ang iboboto mo at bakit? Explain in not less than 5 sentences, haha.

You Might Also Like

15 comments so far

Like us on Facebook