On Weddings and Waiting

Wednesday, June 30, 2010

RICA and JOSEPH
IZA and COY

I wanna be wedded! haha. Matapos lang tong board exam at magiging nurse nako, eh mamumulot na lang ako ng babae sa church, hahahahaha. Pero pinagpepray ko pa kung sino ang babaeng yun; hindi lang kasi yun basta jak en poy oh tibok-tibok ng puso o parang baryang pinupulot lang sa daan o sapatos na binibili tapos pinapalitan pag luma na; naniniwala akong si Lord ang nagbibigay nun ng perpekto; gusto ko rin first and last. Hindi pa ko ready; nakikipagsapalaran pa ko kay Lord upang buuin niya ko ng tama. Naniniwala kasi akong kelangan buong-buo ang relasyon ko kay Lord bago ako makipagrelasyon sa iba. At marami pa siyang gustong gawin sa buhay ko kesa malunod sa pagmamahal na baka hahantong lang sa away-bati sa maling oras. Ayaw ko nun, at lalong mas ayaw Niya nun. ^_^

Naisip ko lang to bigla after ko mapanood yung wedding video nina Marizel Sarangelo (a.k.a. Tuesday Vargas) at ni Coy Placido (ewan ko kung sino siya). Tapos napanood ko rin ulit yung wedding video nina Rica Peralejo at ni Pastor Joseph Bonifacio. Ang bobongga ng mga weddings nila, gusto ko lang talbugan balang araw hahahaha.

Higit sa lahat, talagang super glorious ang wedding nina Rica at Pastor Joseph. Ang galing talaga. Nakakamangha rin talaga ang transformation ng buhay ni Rica -- mula sa pagiging isang sexy star hanggang sa pagiging Pastor's wife, at talagang sobra-sobra rin ang natamo niyang mga biyaya mula nang napalapit siya kay Lord. Yiiii. Haha, totoo! Kita naman kung san na siya ngayon. ^_^

Masasabi ko rin balang-araw, Next to God, my top priority in this life is you. Ako'y maghihintay. ^_^ Magsasaya muna ako kay Lord habang ako'y naghihintay, GO!!! ^_^

Konting kwento lang. Naging close si Rica at si Lord matapos iintroduce sa kanya ni Donita Rose si Lord. At nakapagpicture pa kami with Pastor Joseph last 2008 during a conference. 'Yun lang. The end! Haha.

With Pastor Joseph Bonifacio

24 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

weeeeiiiii..wag magmadali sendong~talbugan mo kasal nila go,,jokes lng hehee,,pero cool yung kila tuesday noh i lurve it~~~
korek c rica grabe transformation noh i like her na hehe...
nga pala invite mo kaming mga bloggers pag ikakasal ka na ha hehe

bluedreamer27 said...

by the Sendo, can you send me your home address including your postal code sa email ko at milton_coyne@yahoo.com

i need it para misend ko yung prize mo

bluedreamer27 said...

Marizel pala ang pangalan ni tuesday...
alam mo hanga ako sa babaeng ito... isa sya sa mga comdiyante na may sense of humor...
she knows how to crack jokes without taking it very offensive to others/..
at saka sa tingin ko matalino talaga sya lalo na kapag naririning ko syang magjudge sa talentadong pinoy

Irish Fleur said...

ako rin gusto ko na rin ikasal ewan ko ba kung epekto lang ng month ngayon JUNE kasi haha :)kilala mo pala yung husband ni rica

I am Xprosaic said...

Wow! usapang kasalan na oh... hehehehhehehe

JENIE=) said...

ako din may konting kwento...rica peralejo is a third cousin ;) sa father side ko...sayang nga di ako nakaattend nung wedding.

as to your wish of getting married, i salute you for wanting that. it's not everyday that men your age wants to give up bachelorhood and freedom!!! or maybe you're just a romantic fool like me ;)

Godbless! Ask God for the right girl...and you'll find her...or maybe she'll even find you!

AVERY ISAAC said...

ang cute naman ng pastor niyo. hoho. apir.

klomster said...

kung di ako ngkakamali si coy placido ay member ng isang band. di ako sure. haha

agree ako sa paghihintay sa tamang panahon. :)

dong ho said...

eh mamumulot na lang ako ng babae sa church>>> i like this idea. i might do this. ill look for an island with a church.

stupidient said...

makapagpakasal na rin kaya,,hmmm...

Ailee Verzosa said...

i really love them both... galing galing nung multimedia presentation... hehehe

bulakbolero.sg said...

kasalan na... nyahaha.. ngaps, parang nakita kita sa isang pic.. meron ka bang parpol na high sin risk na damit? lol

kikilabotz said...

tapusin m lng board exam? wahahahaha. ... uhmm bata k p para magpakasal pre.. dami pa pagkakataon. mahirap magsisi sa huli

goyo said...

yung wedding ni tuesday. astiigg! \m/ rakenrol na rakenrol ang mag-asawa. gusto ko ang lugar at tema. boracay baby!

Ailee Verzosa said...

blog hopping here... have a great week!!!

"When I look at you, I see forgiveness, I see the truth.
You love me for who I am, Like the stars hold the moon
Right there where they belong and I know, I’m not alone."

pusang kalye said...

me ganun--mamulot lang ng babae--anu yan, para lang namalengke ng sayote? lol. why not. there's something about wedding...it's gives certainty and direction to life. napanuod ko tong kay Tuesday weeks back and grabe, ang ganda ng pagkakagawa.lahat. place, video, mga messages nila. captured talaga ang magic and essence ng kasal.....

TDB said...

iba din talaga itong si tueday noh? hehe

btw, just so you know you got a great blog here! care to exchange links? just give me a heads up back at my blog. thanks!


regards,
The Daily Blah

Robbie said...

I've seen both videos before, galing talaga ng pag-edit! Pag-kasal ko din gusto ko may ganito. May napili na nga akong kanta eh. Hahahaha!

eden said...

ganda ng wedding at ang pagkagawa ng video. thanks for posting this, di na ako masyadong updated sa mga happening sa showbiz sa atin. ganda ni Rica.

Time will come it will be turned..hehehe.. btw, enjoy muna sa life being single. there is still plenty of time.

Everlito (ever) Villacruz said...

natawa naman ako dun sa mamumulot.. ha ha ha..:)

Sendo said...

hahah..pupulutin talaga? di naman...un lang ung patawang term hehe

Sendo said...

@klomster --ahw ..siya pala un..di ko alam...tingin ko napakadisente niya haha

Dhemz said...

waaaaaaaaaaaa....weeeeeeee...waaaaaaaaa....hala woi, hahhaha...ako pod gusto pod ko magpakasal...lol! aw minyo naman diay ko....lol! sige lang Sendz pagmaka work naka...am sure God has something for you...kanang mabilin sa balay ang pili-a ha...ehehhehe!

talbugi dayon ang ilang kasal....:) good luck!

you know my name said...

nakakainlove naman ng kasal nila..... kainggit!!