On Weddings and Waiting

8:39 AM

RICA and JOSEPH
IZA and COY

I wanna be wedded! haha. Matapos lang tong board exam at magiging nurse nako, eh mamumulot na lang ako ng babae sa church, hahahahaha. Pero pinagpepray ko pa kung sino ang babaeng yun; hindi lang kasi yun basta jak en poy oh tibok-tibok ng puso o parang baryang pinupulot lang sa daan o sapatos na binibili tapos pinapalitan pag luma na; naniniwala akong si Lord ang nagbibigay nun ng perpekto; gusto ko rin first and last. Hindi pa ko ready; nakikipagsapalaran pa ko kay Lord upang buuin niya ko ng tama. Naniniwala kasi akong kelangan buong-buo ang relasyon ko kay Lord bago ako makipagrelasyon sa iba. At marami pa siyang gustong gawin sa buhay ko kesa malunod sa pagmamahal na baka hahantong lang sa away-bati sa maling oras. Ayaw ko nun, at lalong mas ayaw Niya nun. ^_^

Naisip ko lang to bigla after ko mapanood yung wedding video nina Marizel Sarangelo (a.k.a. Tuesday Vargas) at ni Coy Placido (ewan ko kung sino siya). Tapos napanood ko rin ulit yung wedding video nina Rica Peralejo at ni Pastor Joseph Bonifacio. Ang bobongga ng mga weddings nila, gusto ko lang talbugan balang araw hahahaha.

Higit sa lahat, talagang super glorious ang wedding nina Rica at Pastor Joseph. Ang galing talaga. Nakakamangha rin talaga ang transformation ng buhay ni Rica -- mula sa pagiging isang sexy star hanggang sa pagiging Pastor's wife, at talagang sobra-sobra rin ang natamo niyang mga biyaya mula nang napalapit siya kay Lord. Yiiii. Haha, totoo! Kita naman kung san na siya ngayon. ^_^

Masasabi ko rin balang-araw, Next to God, my top priority in this life is you. Ako'y maghihintay. ^_^ Magsasaya muna ako kay Lord habang ako'y naghihintay, GO!!! ^_^

Konting kwento lang. Naging close si Rica at si Lord matapos iintroduce sa kanya ni Donita Rose si Lord. At nakapagpicture pa kami with Pastor Joseph last 2008 during a conference. 'Yun lang. The end! Haha.

With Pastor Joseph Bonifacio

You Might Also Like

24 comments so far

Like us on Facebook