Job Interbyuw Story

Wednesday, January 26, 2011


Nasa Manila ako!!! Di naman ako interesanteng tao, pero gala naman tayo diyan! Haha!

Kwento ko lang yung tungkol sa job interbyuw ko kanina.

Kaninang umaga, sumabak ako sa isang interview session. Sinubukan kong mag-apply bilang VIP Host sa Resorts World Manila. Niyaks, outfit na outfit ang arte ko. Pink polo sleeves, khaki pants, leather shoes, waxed hair, plus pogi points pa ang genius look ko with the semi-kapal eyewear...at ang pinakamalupit...eh nakapagtali ako ng necktie, LOL.

Sa mga taga-Maynila pasensya na pero naaasar ako sa ingay ng mga jeepney, sa mega usok, sa mga taong nagmamadali na para bang magugunaw na ang mundo. Madalas kasi ako me kasama pag gumala ng Maynila, at first time kong walang kasama around da big city. At tsaka ko lang napansin, ang gulo-gulo here. Naninibago lang talaga ako kasi sanay ako sa probinsyano layp. Sa Ozamiz na tricycle at pedicab lang meron! At sa Dumaguete na super peaceful at sterile yung usok...joke. Pero naenjoy ko naman kahit pano yung mawala, maligaw, at muntik ng masagasaan---OMG probinsyano much, haha.

Anyhoo, 30 minutes akong naghanap ng kanto kung san makakasakay ng taxi kaninang umaga. Ok, ang gulo, parang may racing pala rito araw-araw. Oy 'wag niyo ko hantingin ha, haha.

Siguro more than 40 applicants kami run sa Star Cruise kanina. Andaming matatangkad, insecure yung 5'7'' ko. Tsaka me iba engot naman ang dating. Kasi naman sabi run sa JobStreet.com.ph business attire, eh me mga babae naka-mini skirt. Yung mga lalake naka-maong at naka-rubber shoes tapos T-shirt. Haller. Sa pagkakaintindi ko sa business attire eh polo sleeves, leather shoes at slacks, optional na si necktie. pwede na rin yung maong tapos polo sleeves. Me iba naman na uber bonga at naka-tuxedo talaga. Pa-simple lang me....hindi pa pala naka-glue ang picture ko sa resume.

Siyempre first time ko mag-apply kuno kaya tarantado ang dating, pero confident-looking pa rin. Tapos ayun na, initial screening na. Sinukat yung height! 5'9'' ang hinahanap sa lalaki eh 5'7'' lang me. Oooohhh, the nerd, bahala na. Nung turn ko na, tapos sukat-sukat na yung babae, sabi niya di raw qualified ang height ko. Pero me panlaban ako diyan! Korean-speaking ako at nilagay ko talaga sa resume yun kasunod ng objective. Hahaha. Listening Skills: Good, Reading Skills: Best, Writing Skills: Best, Speaking Skills: Average. "But you are exempted because we need locals who can speak foreign languages so you may proceed to the front desk and ask for an application ID". BONGGA! Pasok ang dwende.

Binigyan ako ng application form, tapos naghintay ako ng 2 oras bago tinawag yung pangalan ko. Sa totoo lang, kinabahan ako ng todo at muntik nako mag-epilepsy. Gusto ko sana makipag-prendships sa mga katabi kaso parang nagluluksa man yong mukha nila at feeling ko eh anak sila ni Einstein kaya baka sumabog utak ko pag sinagot ak yo in another language. Kaya yung ginawa ko, eh pini-picture out ko na lang yung magyayari sa interview. Kunyari tinatanong na daw ako, tapos sumasagot na raw ako. Blah blah.

Finally, tinawag na ako. Tapos tanong tanong tanong. Mga 10 minutes rin siguro. Siyempre confident raw ako sumagot with matching smile at joke konti. Siyempre nabigla si interviewer kasi Nursing Graduate ako. Pero drama lang me much, tsaka totoo naman na wala pa akong balak sa Nursing Career ko kung sakaling Top 1 man ako sa board, haha.

Pagkatapos nung inteview, sabi i-eendorse na raw ako sa VIP hosts department at tatawagan na lang ako for the final interview. Narealize ko, mas nakaka-stress pala ang maghintay kesa sa actual interview.

Anyhoo...gusto ko lang ibahagi para sa mga mag-a-apply ng trabaho sa mga kumpanyang bongga to the max o kahit sa mga pasimpleng companies lang , pag-aralan niyo mabuti yong tungkol sa company na pag-aaplyan mo. Siyempre magpractice sa bahay para sa interview, prepare possible questions and rehearse your answers. Pero, I don't suggest writing a script. Isulat mo na lang sa isang papel lahat ng mga possible questions from the interviewer tapos sagutin mo in different ways tuwing magpapractice ka. Prepare questions rin about the company kasi tatanungin ka nun. Manood rin ng Youtube videos tungkol sa mga job interviews kasi nakakatulong rin yun. Siyempre prepare your outfit rin. Wag ka na makinig sa mga kaibigan mo na pwede lang mag-casual, mas may impact pa rin ang naka-formal o business attire. Ginawa ko kasi yong mga abovementioned hahaha. Pero yung pinag-aralan ko talaga ng super eh kung pano sumagot in Korean. Kasi raw---yung mag-iinterview sakin last eh Korean..at yung interview session eh ...in Korean language. T_T God bless the Philippines.

Gusto ko gumala at makipag-EB sa inyo bloggers kung sinong available habang hinihintay ko pa tawag para sa final interview ko. ^^ Sayang naman ang moment ko rito. Comment lang kayo o mag-message sa shoutbox. ^^ Mahilig ako sa sine, bidyoke, karnibal, concerts, auditions, modeling, shooting. Yun lang hahaha. Hehe, kahit ano na basta makita ko lang kayo, haha ^_^

16 comments:

Anonymous said...

Tara eb. Lol. Goodluck sa final int.

Bulakbolerosasg

rah said...

Wow. Formally nagaral ka magkorean? Ang galing mo naman :)

GOod point, dapat talaga pagaralan ng applicant ang interview questions. Dapat honest din siya sa mga objectives nya sa interview. Para narin sa interviewee yon.

Hindi lang getting the job ang importante, making sure din, na magiging masaya ka sa piling nila, if ever man matanggap. :)


And i agree with you na polluted masyado ang manila :) Mayor lim, hoy gising! :)

khantotantra said...

pray namin na makapasa ka sa final interview and with the job offers. :D

Arvin Erick said...

Wow welcome sa manila. Masasanay karin at mamahalin mo rin ang capital ng bansa. I'm willing makipag EB. chat ka lang sa CB ko. GBU

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whahha ang kulit ng 1st time mo here sa manila ha hehe.. alam mo na yan.. nag-usap na tayo about eb hehehe :D

hArTLeSsChiq said...

hanggaling naman...tama nga,dapat mas i-highlight natin ang ating kakayahan kesa i-down ang sarili sa isang bagay na hindi na naman natin mababago o magagawan ng paraan. Good Luck with your final interview :)

I'm just a PM/text away...EB na 'toh! LOL

MiDniGHt DriVer said...

yey.. goodluck bro! tara na!

Jhiegzh said...

ahahaha nice one Sendz! Dapat confident! Oo I agree, you should practice sa bahay pa lang ung interview sessions, thats what I did every time mag aaply ako! Pero somehow, enjoy there sa Manila!

Ako si Yow said...

Naks.. Mukha naman magaling ka magkorean eh kaya kaya mo yan. Good luck. Haha

Ang galing. Kanina lang sa school eh may seminar na required kami umattend. Preemployment seminar para sa graduating students at yung tips mo ay nabanggit. Hindi kaya ikaw yung speaker namin? Haha.

Ishmael Fischer Ahab said...

Congrats at naka-survive ka sa day mo sa Manila kahit papaano. Wag ka mag-alala. Masasanay ka rin at magiging matibay.

Di lang ikaw nagrereklamo sa usok at gulo. Pati Manileno nagrereklamo eh.

God bless sa final interview.

Kaya mo yan!

Bino said...

yun oh! eb lang pala eh. tara na! hehehe. GOod luck sa final interview. :)

xian said...

Ganyan sa Manila XD AHAHAHAHA!
Hanggang kelan ka dito? :D

Ay shet~ kinakabahan na din ako pagmag-a-apply X3 hindi pa naman kaakit-akit ang resume ko XD AHAHAHA~ Hayyyy~ and... YOU KNOW KOREAN X3 *envies* XDDD

Irish Fleur said...

welcome to manila :) naalala ko rin tuloy ang job interview ko :) gusto mo eb? haha welcome ulit

Lakwatsero Ako said...

Naks goodluck! VIP Host! sesyal! Kelan na ang eb?

PluripotentNurse said...

Hi Sends kelan ba ang final interview mo? Goodluck ah.

Im looking forward to see u sana kaso last week pa ng feb balik ko manila :)

Jacaranda Flagg said...

hi, nice post.. :) at di yun spam.. hehhe,

naalala ko lang yung job interview days ko.. isa nako noong professinal applicant sa dami ng interview ko sa ibat ibang company..

anyway, thanks.. na enjyo ko yung post :)