Hairdo

11:29 PM

Para naman maramdaman ko ng konte 'yong New Year spirit, napagpasyahan kong palitan na ang mala-mongoloid kong hairdo na dalawang buwan ko ng pinahaba ng husto. Makati na kasi sa leeg at kelangan ko ng magtipid ng shampoo. Maliban diyan, sasabak ako sa interviews next week. Feel ko lang magandang asset ang buhok. Kaya kelangan malinis tingnan at professional-looking. Lol. Malay ko ba baka sa hairdo ako matanggap.
Eto ang hitsura ko dati with the old hairdo. Nagpagupit nga ako kasi tingin ko hindi ako tatanggapin ng prospective employer ko na ganyan ka-eww ang hair. Pangit pala siyang tingnan..lalo na pag walang sumbrero. Old School! Dry! Tuyo! Gollum! Eew! Ay...lalo na yung parang takyan oh....may papikit-pikit arte pa! Wahaha.

Anyway, eto na ang bago kong gupit. Professional-looking. Gwapo! Nakakabading ang hair! Matatanggap nako sa trabaho kung 90% ng employment parameters eh nakabase sa hairdo. Haha. Ayan...ready na ang buhok ko for next week's job interviews. Tingin ko rin eto ang hairdo na pinakabagay sa kin.

You Might Also Like

25 comments so far

Like us on Facebook