Mga Sulat-Kamay sa Hayskul

11:55 PM

Naabutan ko pa yung panahon na hindi pa laganap ang pandemya ng e-mails, texts, o video conferences. Uso pa yung sulat-kamay, mapashort or long-distance relationship man. Iba raw kasi pag sulat-kamay yung liham. Mas may effort daw. Mas may dating. Mas ma-drama at mas damang-dama ang feelings nung taong nagsusulat. Mas maiiyak ka...mas extreme ang luha.

OK. Drama lang. Tungkol sa retreat letters ang post na 'to. Yung mga liham na sulat-kamay ang drama. Mahilig kasi ako magligpit ng mga liham. Klase-klasae pa yung mga letra na natatanggap ko nun. May mga patawa, mga walang kwentang liham, mga liham na ginastosan, mga liham na kinulang sa budget, mga liham na puro mura. Madalang lang yung mga nakakaiyak. Karamihan sa mga retreat letters na yun eh puro Thank You at I'm sorry. Palibhasa retreat kasi, kaya feeling grateful at forgiving daw kunyari.




Pero kahit pano, naappreciate ko talaga yung mga nagbigay ng sulat sakin nung hayskul. Yung nagtiyaga talagang magsulat. It's the thought that counts kasi. Di baleng copy-paste, the thought still counts. Di baleng sa isang piraso lang ng pad paper na napulot sa corridor, the thought still counts. Di baleng nakaw na bolpen ang gamit sa pagsulat, the thought still counts. Di baleng marumi at mala-Fukien ang penmanship, the thought still counts. Di baleng kasinungalingan, the thought still counts. Di baleng wrong grammar at wrong spelling, the thought still counts. Lahat ng sulat-kamay...the thought still counts.

Ang hindi ko lang matanggap eh yung anonymous o stalker na kunyari eh naka-time machine raw. Echos. Niligpit ko lang to kasi balak kong hantingin o ibitay ang may sulat neto.
Sa gustong mga sumulat sakin, pwede niyo itong ipadala sa LBC OZAMIZ CITY, MISAMIS OCCIDENTAL 7200 at ipangalan sa akin. Total isa lang LBC rito, kaya makeclaim ko yun agad. Nyahahaha.

You Might Also Like

31 comments so far

Like us on Facebook