My Amnesia Girl: Late Reaction

Sunday, January 16, 2011

Lumang movie na ba to? Ah ok. Kasi nung pinalabas yung My Amnesia Girl...nagrereview ako para sa board exam. Gusto ko na nga sana panoorin kasi puro positive feedbacks naririnig ko. Kaya dinownload ko na kanina at pinanood... Maliban sa first Tagalog movie ito na nadownload ko sa Internet, ito rin ang first Tagalog movie na hindi ako nabagot, nagalit, o nagsisi...dahil bawat eksena eh kapana-panabik. At...kung iniisip niyo kung pano yung Kimmy Dora at Here Comes Da Bride....very predictable yung mga yun kahit sobrang nakakatawa ahh hehe.

Anyway. Konti lang sasabihin ko tungkol sa movie na to.

SPOILERS BEYOND THIS POINT. ENTER AS DESIRED. (char lang)


Nung una, akala ko eh gagayahin nila yung Korean movie na "A Moment to Remember" o yung pinagbidahan ng ex kong si Drew Barrymore na "50 First Dates". Yun kasi 'yong mga movies na alam ko na may amnesia amnesia.

Kaso yung My Amnesia Girl pala eh naiiba. Only in da Pilipins lang talaga... ORIHINAL lahat. At saka magaling pa ang acting...mula sa main actors hanggang sa supporting actors papunta sa mga extra. Nakakatuwa yung mga eksena...walang dead-airs, kakornihan... para lang ba yung mararamdaman mo pag manonood ka ng 50 First Dates---di mo na afford magwiwi o mag- BLINK BLINK ng eyes. Nyahaha.

Kaya lang me daplis ...pero konting konting konting konti lang...

Mayroon kasing mga....
KLLLEEEEEESHEEEEYYYYYs (clichés).

UNA: Yung part na mababangga na si John Lloyd in a so so so so solow motion.
PANGALAWA: Yung si John Lloyd na naman yung ma-aamnesia.

Ayun..very predictable. Very so 2009, 2008, 2007 blah blah. Napanood ko na yun. Yung nagsoslow motion yung mga sasakyang nababangga. Tapos it's either mamatay yung nagdadrive, may maa-amnesia o....may mananalo ng lotto (LOL).

Nung nasa sasakyan si John Lloyd..at tawag-tawag siya ke Toni..yun na yung nagdasal nako na sana walang aksidente at slow motion na mangyayari...kasi matatapos na yung movie at sa mga bandang katapusan kumakalerky ang mga ganoong eksena... Ayoko kasi ng naprepredict ko eh..mahilig ako run! Eh walang nangyari sa dasal ko..echos lang.

Ganda-ganda na sana ng daloy..Pero...sumapol. Pero konti lang talaga, sobrang konti lang. Sobrang nagandahan at natuwa pa rin ako sa mubey.

CLICHé---yung ano ba..yung parang common sa isang bagay---yung something predictable...paulit-ulit--yun bang "YAN NA NAMAN??!! SAWANG-SAWA NA AKO!!!!" Yung parang ganun ba...

Kung hindi kayo conpidehnt sa talino ko...i-Google niyo na lang. Just type Cliché.

Kung napanood niyo yung CHARLIE ST CLOUD....yung eksena na nabangga sila nung truck without slow motion...sana ganun yung ginawa sa My Amnesia Girl. Sa opinyon ko lang..pag slow motion kasi...mapapaisip ang tao kung ano ang susunod na mangyayari. Yung mga eksenang tatapos na sana sa pelikula...yung mga nasa huling 10-15 minutes na lang ng movie....dun na maraming pinepredict ang mga manonood..kasi na-eexcite na ang madlang people. Gusto na nilang matapos at ano ba talaga ang ending sa pelikula. Eh yung slow motion ni John Lloyd habang nababangga daw siya sa kotse...nagkataon na nun yung ilang manonood na mapasigaw ng---

"AY...sabi ko na nga ba eh..maaaksidente....."
"Mabubugok ulo niya at makakaroon siya ng amnesia"

Sana fast-paced na lang yun.. 'Yung biglaan na ba. Di na sana ni-slow motion yun. Para diretso. Para yung mga manonood "OH NO WHAT'S NEXT DALI" ---shocking moment iyon...SHOCKING...NASHOCK sila kasi biglaan... --- "AY..NABANGGA? NAMATAY??" -----later...dahil mabilis na yung events at hindi na slow motion... "AY HINDI PALA...WOW...so UNIQUE THIS MOVIE!!!" Parang GANUN!!!!!

Pero...hindi madudungisan ng opinyon ko ang ganda ng pelikulang pilit kong ni-rereview. Gusto ko lang magpasikat ...kasi feel ko me alam ako konti sa pagdidirek bwahahaha. OA lang masyado... Pero tama naman ako diba? DIBAA!!!!???!! DIBA?!?!?!?!!

Sa mga di pa nakapanood ito lang basahin niyo! MAGANDA YUNG MOVIE! Kaya bumili na kayo ng HOME THEATER at 3D GLASSES kasi worth-all-the-money-you-spend tong movie na to!!! WOOOOHOOO!! Walang KAKORNY-KORNY.

Parang shabu tong movie na 'to....nakakaadik kasi eh... Bwahaha

Oh...konti lang noh?? Saved!

THE END!

Photos from HERE and HERE.

17 comments:

khantotantra said...

so true. sana ginawa ktulad ng pagkasagasa kay luis sa movie nila ni john lloyd. parang na-final destination, nahagip then deds n pla agad, wlng ospital etc. :p

pero ansaya ng my amnesia girl. pati mga backup chars, ok

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whahaha TOMO.. sobrang LOL tas keso ng movie na to.. whahah kakatawa yung mga banatan nila lalo na yung sa simbahan hehehe,.... "D

OT: naks new layout :D ang ganda :D

MiDniGHt DriVer said...

hehehe.. nipanood namin to ni Misis sa bigscreen and gaya ng inaasahan namin, tanggal ang stress namin. Ang lupit ng mga banat at punchline nila jlc and toni. hehe.. Shumoshowbiz....

Jiashi B. said...

tamahhhhh! nitong january ko lang din siya napanood kasi akala ko din nung una, parang 50 first dates yung story. pero iba pala (minus the predicted scenes) but still, maganda pa din! :D

Chyng said...

Langit ka, lupa ako.
Sa ayaw at sa gusto mo, sakin ang bagsak mo!

Winner! ^_^

psst. nasa Manila ka ba? next week na kasi yung Batad ko.
and yes, will sirely contact you sa Dumaguete-Siquijor trip. thanks!

MOKS™ said...

late ko na rin to pare napanood this January lang sa dvd, ang ganda ng movie na yan...ang daming pick up lines lalo na sa huli..walang humpay!!! hehehe one of the best tagalog movie of 2010

Jhiegzh said...

Uhmmm, maganda tlga ang My Amnesia Girl, super! BAwat eksena ay talgang inaabangan ko! Same tau ng prediction sa huli, maaksidente si JLC at maamnsia, pero as a whole pang blockbuster tlga ang movie..No doubt!

eMz said...

kebs sa storyline, pasok sa akin lahat nung pick-up lines nila. bwahahahaha! yun ang tunay na star of the show! XD

Sendo said...

sa lahat...apir..dahil agree kayo sakin hehe...at talagang pamatay ang mga pick up lines nila..TOMONG TOMo kAYO!! haha

Tom|LifeShopTravel said...

Maganda pala tong Amnesia Girl hehehe di ko kc napanood to. Actually di na me nanonood ng sine...pwede naman download...

che said...

mapanood nga to...hmmm

Oliver said...

haha, pareho tayo! kakadownload ko din lang nito.
sabay ko silang dinownload ni "Paano Ko Sasabihin".
tagalog movie marathon ok, haha

Mayet said...

late na rin akong nakapanood nito---para lang nabitin ako sa ending!

Dhemz said...

oh I love this movie...last month ko lang to nakita online...may free filipino movie online kasi....:)

woi, bongga ang imong blog layout...nahan ko...choy kau...ehehhee!

salamat sa dalaw Sendz....glad to be here!

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

tomoooooooooo!!!! ako din naexcite na panuorin to pero super disappointed lang ako..at tama ka ..parang kinuha sa 50 first dates..meron pa..the notebook!! nakuu...hahahaha..mga pinoy talaga..cute lang siguro dun yung mga banat na...korni naman hahahaha :D

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

tomoooooooooo!!!! ako din naexcite na panuorin to pero super disappointed lang ako..at tama ka ..parang kinuha sa 50 first dates..meron pa..the notebook!! nakuu...hahahaha..mga pinoy talaga..cute lang siguro dun yung mga banat na...korni naman hahahaha :D

Ishmael Fischer Ahab said...

Napanood ko ito with my girlfriend. Ok naman sa akin ito at tawa naman kami ng tawa.

Yun lang, nabanas ako noong si John Lloyd naman yung nagka-amnesia. Ok na sana yung movie eh...pasira lang yung ending.