22905 QUILAO, SESINANDO JR. NIEZ

Saturday, February 19, 2011


Hindi ako makapaniwala. Sigaw ako ng sigaw kahit hindi ko pa nakikita ang pangalan ko sa mismong listahan.

Ito lang nakita ko sa kaklase ko. At first, di ko maintindihan bakit naka-tag ako sa status niya...tapos binasa ko yung mga comments.

OH MY GAS!!!!

"MA!!!!! NAA NA ANG RESULTS!!!!!" (This dialect is called Bisaya)

Nanginginig ako habang nagta-type. Kinabahan ako kasi post na ng post yung mga kaklase ko sa mga pangalan nila sa Facebook. Nahuli na yata ako...sana di na lang ako naligo, haha.

Ang bagal pa ng net kaya sobrang nanginig much over over ako

HINDI PA RIN NAGLOLOAD YUNG SITE!!!!!!

Nagcheck ako sa Inquirer...totoo nga...may results na pero walang listahan. Nagcheck ako ulit sa Facebook News Feed....naku nagkakatuwaan na sila...Alam ko na nakapasa na ko dati pa...hahaha...pero di lang ako mapakali...pano kung nagkamali yung machine sa pag-check nung test papers ko..ahw chos.. Eh kasi di ko pa mismo nakikita yung pangalan ko...at parang di pa ko makapaniwala na madudugtungan na ng dalawang letra ang lapida ko..

Ayan na. Nag google nako at naghanap ng ibang sites. Di kasi nagloload yung mga sites na naka-post sa facebook. Traffic na traffic sa Internet

FINALLY.....

LO AND BEHOLD....

PUMASA NGA AKO

I MADE IT....major major MADE IT!

HUHUHUHUHUH...

Grabe....sobrang overwhelmed ako! Sigaw ako ng sigaw todo todo bang bang bang

Bumaha talaga sa facebook ng mga pangalan at numbers ng mga nakapasa...mga pasasalamat at pagmamayabang. Nagkagulo talaga! Parang lahat ng nagtake sa FB list ko eh nag-online at nagpost.

Nagtraffic sa Google at Facebook. Kinabahan siguro si Mark Zuckerberg dahil may flood sa system nila ng bigla-bigla

Hahay. Grabe. Sigaw ako ng sigaw ng sigaw ng sigaw...ok ako na ang sumigaw ng pinakamalakas.

WOOOHOOOO!!!!

THANK YOU LORD!!!!!!!! Super duper mega ultra...Hindi sapat ang kung anong materyal na bagay ang ibibigay ko sayo ng one time occassion lang..dahil buong buhay ko Lord iyo na, kaya patuloy akong mananalig at mananamapalataya in Your name! You are the best!!! Bonnga Lord! Salamat ng bongga much!

Kaya sumunod na ko sa FLOOD sa Facebook..


Sobrang saya ko rin, dahil lahat ng mga ka-roommates ko nung 10-day in-house self-review namin...pasado lahat! Grabe yung mga pinagdaanan namin sobra!! PROMISE! Ang ingay pa nga namin sa room, gabi-gabi na lang. Grabe yung pressure....tapos grabe yung kaba namin nun. Kaya dinadaan na lang namin sa super laugh in....gabi-gabi kami angde-devotion...kasi si Lord pa rin ang puno at dulo ng lahat lahat lahat ng mga ginawa at ginagawa at gagawin namin sa buhay. Tulungan talaga kami, question and answer, group study..etc etc...grabe super duper hahahahaa di ko maexpress....... Sobrang saya ko nung makita ko rin names nila.


Pero me part na nakakalungkot. Bigla na lang nawala yung excitement ko nung malaman ko na hindi 100% ang batch namin. 447 kami lahat nagtake sa batch namin tapos 421 lang pumasa. Habang nagse-search ako sa mga pangalan nila, talagang wala sa listahan. Top 7 lang kami haha, dati palagi kami number 1....hahahaha ambisyoso!!! haha

Pero totoo ah..pababa ng pababa rating namin. Since 2006 na na-break yung record ng Silliman, kami pa ang batch na super duper dami ng bumagsak sa kasaysayan ng Silliman University College of Nursing. Siyempre nakakalungkot rin naman yun ah. Pero ok na yun! GO!! Top 7, marami naman kami nagtake.



Anyway, basta tapos na rin ang lahat. Grabe...apat na taon sa nursing, kalahating taong paghahanda para sa board exam. 500 items. 500 shades. Salamat talaga Lord ng bongga. Ikaw ang dahilan, at para pa rin Sa'Yo. Kay nanay at tatay....eto na oh..gift ko ang board exam result na to. One take lang yan, at saktong 4 years pa..kaya palayain niyo na me!!! Haha

To all who prayed and believed...man..grabe...woohooo..Thank You ng marami. ^_^

SESINANDO N. QUILAO JR, RN

I AM NOW A REGISTERED NURSE!!!!

PARTY, PARTY!!!!


List of NLE December 2010 passers.
List of NLE December 2010 Topnotchers

24 comments:

uno said...

congrats licensed ka na blow out!

siliman ka pala..

alam mo bng pangarap ko jan mag-aral...

khantotantra said...

congrats.
isa ka ng nurse.

Congrats din sa iyong school dahil madami nakapasa. :D

empi said...

Yahoooooo!!!! RN ka na... Congrats sayo at sa school mo na top 7!


Ayos gyud! :D

hArTLeSsChiq said...

congrats!

Anonymous said...

congrats RN k n rin ^_^
-kikilabotz

bulakbolero.sg said...

Haha... Parang pati sa pagsusulat mo sa entry na to sumisigaw ka. Lol.

Congrats lit.

hamster said...

congrats! ibang level ka na! yey

Jhiegzh said...

COngratz pareng Sendo! RN ka na! Weeee.....Hahaha, ang dami kong friends na nkapasa! Two thumbs up!....

redlan said...

Yudi RN ka na? Congrats! Burger-burger! jowk lang. Mas matindi ang naramdaman keysa pagkuha mo pa lang. Buti hindi ka naLBM. Kasi meron taong ganyan kapag tensionado. You made it! Top one pala ang St Paul-Iloilo. Taga Dumagueta ka?

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

wow! congratz po kuya!!!!XD

Axl Powerhouse Production Inc, said...

atlast after ng paghihintay lumabas din ang result.. congrats tsong... blowout na diyan :D

Ronster said...

di na ko magtataka dito pards...sillimanian eh...

I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGSPOT said...

Congrats! nice..

Robbie said...

Congratssssssssss Sendooooooooooooooooooooooooooooo!!!!

Hindi ko naintindihan yung nasa FB stat. Hahahaha. manlilibre ka pag pumunta ka ulit dito ha. =))

Kamila said...

HOYYYYYY CONNNGRAATTTTSSS RN ka na!! Sana ako din..!

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

good day!

can I ask you a favor? pls. like these links for me :)


http://www.facebook.com/iheartluckymesupreme

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=131415080261265&set=a.131412666928173.24696.116296648439775&ref=notif

IT IS ACTUALLY MY ENTRY FOR A CONTEST and I NEED MANY 'LIKES'..

I HOPE YOU CAN HELP ME..

Also, can you pls post these links in your BLOG so that others may like it using their facebook acounts?

pls..pls..I will really appreciate it pls..>.<

-ayu :)

PluripotentNurse said...

Congrats Sendo pa canton ka naman! hehe! Partey na!

pusang kalye said...

congratulations Sendo---isa ka nanag ganap na nurse!!!!naks. at talagang humahataw ang Siliman ha. pero itong saint Paul. astigin. 2 branches pa. they are well known ba talaga for nursing? kelan pala balik mo manila at nang makapag-videoke naman.D:

dong ho said...

whoa! congratulations! galing galing. ayan nakita ko na tunay mong pangalan.

krn said...

congrats ka-nurse! hehe

Ishmael Fischer Ahab said...

Wow! Congrats sa iyo. Ikaw na ang nurse. :-D

nice : ) said...

wooooow !! congratulations!! :))

Tara said...

Congrats! I haven't blogged for a long time {shut down the blog actually, for awhile} and so glad that things are going great with fellow bloggers like you. :)

Hope to see you around again { on my blog}

Misalyn said...

Better to be late than never...


Congratulations!!!!