To My Future Wife

11:59 PM


Let's enjoy and make most of being single. Wag ka magsisi at malungkot na wala kang ka-partner sa Valentine's ha? Enjoy ka lang with your family and friends. Enjoy ka lang sa kung ano ang ginagawa mo. At lalong mas mag enjoy ka sa relationship mo kay Lord. Mahirap na, baka mahalin mo pa ako ng lalo kesa sa Kanya. Alam kong hindi mangyayari yun, dahil pinagdarasal ko araw-araw na walang hihigit sa pagmamahal natin sa Kanya ang magiging commitment natin sa isa't isa. Pinagdarasal ko rin na sana ay mas lumago at magbunga pa ang relationship mo kay Lord ng todo. I believe, mas higit at mas ikakatuwa mo ang hinanda Niya sa'yo na single ka pa kesa sa kung naging tayo na ngayon. Kung sa tingin natin oras na, sa timing ni Lord hindi pa. Marami pa siyang ituturo sa 'tin. At mas exciting yun!

Speaking of excitement, excited na kong ma-meet ka. Minsan parang nag-i-ilusyon ako, pero hindi, parang lang...kasi pinagdarasal ko talaga na sana balang-araw eh preparado na tayo na makatagpo ang isa't isa. During my quiet moments with God, He always impresses me the girl and the family that I will have someday. Kinikilig ako kay Lord eh haha. Siguradong ikaw na yung ini-impress Niya sakin. I believe He has already set everything for us. At hindi pagtitiis ang magiging bunga ng paghihintay natin sa isa't isa, but more revelations from Him about being single...about our life, about our purpose...with our family, with our friends, with everything we have presently.

Excited nako ma-meet ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo. Excited nako na makilala kita ng lubusan, malaman, masubukan, at mahalin ang mga hilig mo sa buhay. Excited rin ako ibahagi ang mga kinahhihiligan ko na sigurado akong magugustuhan mo.

Alam mo, pinapangarap ko talaga ang magkaroon ng isang napakasayang pamilya. Galing kasi ako sa broken family. Dati pinagsisisihan ko talaga kung bakit ganun. When I met our God, na-realize ko na I have a bigger purpose than live the regrets I am not supposed to even think of. Dati di ko naintindihan kung bakit kelangan magsimula pa ang lahat na hindi ako lumaki sa ama, na palipat-lipat kami ng tirahan, na palaging nag-aaway ang pamilya namin. Pero, di ko na iniisip yun, naibigay ko na lahat yun sa Diyos. Napakawalang kwenta ko naman if I dwell on that, di ko naman kasalanan kung bakit nagkaganun ang mga yun.

Pero God is great, mahabang kwento, pero excited ako na maikwento ang lahat sa iyo, ang kung pano ko na-meet si Lord at sangkatutak pa. Alam ko may kwento ka rin, di na nga ako makapaghintay kaya todo lang ako sa pagdarasal tungkol sa'yo.

Valentine's Day ngayon. Pilit kong pinipigil sarili ko na wag mainggit. Nga naman, isang araw lang yan. Hindi magiging big deal sa'tin yan. Kasi, araw araw naman nating ipagdiriwang ang pagmamahalan natin balang araw, and not just for the sake of an event or a Valentine's Day, hehe. Pangako 'yan, siyempre, God is the center of everything between us.

Palagi kitang ipagdarasal hanggang sa dumating na ang araw na itinakdang magtagpo tayo. Para lang Imortal, ahw hehe joke. God has the perfect timing, and I trust in the flawlessness and rightness of His blueprints. Kaya habang hinihintay kita, ayoko mag try out sa ibang babae. Ayoko ng disposable relationships, na pag di kayo compatible, ----ay sorry miss, we're not meant for each other. Kasi ang hirap maghintay lalo na sa part ng lalaki, lalo na sa mundo ngayon. Pero, there's nothing vain naman talaga with waiting for the right person.... if God is with us diba? So, I pray day and night that you will grow in your relationship with God, that you would enjoy serving Him, learning His revelations....basta enjoy being single and waiting...kasi once lang yan nangyayari sa buhay ng isang tao ^_^ there's more joy in the Lord for now.

I believe God has set things for us to do bago natin malaman na tayo pala para sa isa't isa. Si God na rin bahala nun kung pano Niya tayo pagtatagpuin. Basta...always trust in the Lord. I will be praying for you, that as we fulfill the purpose God has in store of us, both of us will continue to glorify His name.

PS. pagkatapos ko neto, magpapaturo ako kung pano magluto. Para pag nabasa mo to balang araw, marunong na ako magluto....ipagluluto pa kita araw-araw! ^^

Happy Valentine's Day! ^_^

We don't find love; it looks for us.

PHOTO CREDIT: Justin Lucarelli

You Might Also Like

26 comments so far

Like us on Facebook